Salamat dun sa mga nanawagan sa radyo at tv. Sa wakas ay natagpuan din ako. Mahigit forty payb years din akong nawala.
Sa mga patuloy na namamasyal dito at nagpipilit maglibang kahit walang tao, salamat po at dumadalaw dalaw kayo. Sana naman nilubos lubos nyo na at nagbibitbit na rin kayo ng kropek at coke.
Medyo alat ang inabot natin lately. Pagkatapos manenok yung account ko, sumabog naman yung laptop ko, tapos si Tagpi naman, kakabili ko lang ng bagong mga sapatos, ngayon naman kinailangan ng matinding surgery.
Para akong natalo sa sabong at mahjong. Kaya tuloy nagpagala-gala muna ako sa mga saklaan. Joke lang. Di na ako nagsasakla. Basa lang ng Basa…


SikatchuPosts