Piktyur Piktyur: Trick or Treat

October 31st, 2009 by BURAOT Categories: Wow Mali 10 Responses

trick or treat

Trick or Treat! HAPPY HALOWEEN!!!

Patay Tayo Dyan

November 2nd, 2008 by BURAOT Categories: Basta Pinoy Koboy 28 Responses

Walang sinabi ang haloween dito.

Dito sa isteyts, pinakamagarbo at pinagkakagastusan ng miyun milyong singkong kulot ang haloween. Higit pa kesa sa Pasko. Trick or treating, haloween pimp and ho parties, at mga kung anu anong pautot na designs sa mga bahay.

At dahil nirarayuma na naman ako, umabsent na muna ako. Kamay ko naman sa kanan ang me rayuma. Sabi nga nung katrabaho ko, “kasi wag puro kanan, paminsan-minsan kaliwa naman ang gamitin mo.” Ewan ko kung ano ibig nya sabihin, di ko naintindihan. Wankubeh. Pataas ng pataas ang rayuma ko. Dati paa lang. Tapos naging tuhod. Tapos ngayon kamay naman. Baka sa susunod brain ko na. Buti na lang nga wala akong masyado nun, di siguro masyado masakit.

Dahil naprapraning naman ako sa bahay lang. Pasyal pasyal na rin ako. At kung saan saan ako napadpad. Sana nga bumili rin ako ng maskara, baka naka-ransack pa ako ng mga sokoleyts.

Me naispatan akong me mga magagandang mga pautot sa kanilang tapat bahay. Talagang pinagka gastusan. Me mga sound system pa nga sila at nag-iinuman sila sa me tabing daan. Me nakita pa nga akong mukhang Ilokano.

Na-miss ko tuloy ang undas sa atin. Kasi sa atin, parang picnic sa sementeryo. Me dala pang videoke. Wantusawa din sa tanpuluts. At di mo na rin kelangan pang gumastos ng milyun milyung singkong kulot. Me lapad ka lang at baong wento, katalo na. Enjoy ka na, tipid ka pa.

San ka pa?

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes