Lumang luma na ang style ng webpage ko. Kasing tanda na ni Kulapo. Kaya naman nung isang araw, naisipan kong paglaruan ang aking Paint software. Wala kasi akong Photoshop. Di na kakayanin ng power ng kopong kopong kong laptop ang magdagdag pa ng kung anu anong anik anik.
Kagabi, nung nagda download ako ng free anti-virus mula sa internet, ayaw sya tanggapin. Isang mahiwagang clue na prublemado at nanganganib na ang pesteng kampyuter ko. Wala pa naman akong pambili ng bago dahil puro singkong kulot ang laman ng bulsa ko. Ito pa naman ang tanging libangan ko.
Nung nag lilinis ako ng ibang files, nag try ako mag defrag. Ang sabi ba naman eh kailangan ko muna i-restart yung kampyuter ko. Restart si engot. Nung tsine-check nya yung disk, bigla nag brown out. Punyemas! Basa lang ng Basa…


SikatchuPosts