Isang araw, umuwi ang isang misis, nagkakandirit at naghihihiyaw na sinabi sa kanyang mister, “Alam mo bang yung migraine kong nagpapahirap sa akin ng halos porty payb years? Wala na! Yahuuuuu!”
“Wala na? Anong ginamit mo Head-On Apply directly to your forehead!? Wa happen?” pang-aasar ni mister.
Sabi naman ni misis, “Dinala ako ni Mareng Winnie sa isang nanghihipo… nanghihipno.. naghi-hypnotize na si Madam Bola! Wala lang daw akong gagawin kundi humarap sa salamin at sabihin ng paulit -ulit..
“Bah,Beh,Bih… Boh Buhhh! Wala na ang sakit ng ulo mo!”
“Bah,Beh,Bih… Boh Buhhh! Wala na ang sakit ng ulo mo!”
“Bah,Beh,Bih… Boh Buhhh! Wala na ang sakit ng ulo mo!” Basa lang ng Basa…


SikatchuPosts