Mami-Miss Ka Namin

April 29th, 2011 by BURAOT Categories: Mala Cachupoy 3 Responses

Isang gabi dalawang misis ang nagliliwaliw sa isang bar para sa kanilang once a month na Girls Night Out. At dahil minsanan lang ito isang buwan, naisipan ng dalawang magpakalasing sa alak.

Habang pauwi na at lasing na lasing, bigla silang nakaramdam ng tawag ng pangangailangan. Malas naman na nasa may kamposanto sila ng bigla makaramdam sila.

Pero dahil hindi na mapigilan, naisip nilang umihi na lamang sa likuran ng mga lumang puntod.

Isa na lang ang problema, wala silang tissue. Pero dahil ihing ihi na, sumige na rin sila. Basa lang ng Basa…

Mala-Impaktong Hangover For Women

January 6th, 2010 by BURAOT Categories: Mala Cachupoy 17 Responses

Sempre alangan namang for men only. Narito naman ang for women only na mala-impaktong hang-over. As usual, piliin ang inyong peborit. Multiple choice. Walang kopyahan.

Hangover #1: Mag-split While Throwing Up

Basa lang ng Basa…

Mala-Impaktong Hangover for Men

January 4th, 2010 by BURAOT Categories: Mala Cachupoy 14 Responses

Katatapos lang ng holiday kaya marami rin ang di pa maapuhap at kasalukuyang nagpapagaling. Ng mala-impaktong hang-over. Buti na lang nalasing ako sa coke. Narito ang ilan sa mga naispatan nating may matinding hang-over. Ganito ka rin bang malasing? Piliin and inyong peborit. Multiple choice.

Hangover #1: Typical

Basa lang ng Basa…

My Name is Buraot.. and I’m an Alcoholic!

January 12th, 2009 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 16 Responses

tagayDati rati, kapag bagong dating ka, inuman na!

Kahit saang lupalop ka pa nanggaling, sa iskul, sa probinsiya, sa manela, sa munti o ospital, basta bagong dating ka, kelangan me pa-welkam na inuman palagi. Sa totoo lang, para lang magkaron ng dahilan para mag-celebrate kuno. Inuman lang naman talaga ang gusto. Mamam, tagay, laklak, tungga, barik.

Hindi naman talaga tayo sugapa sa alak, konti lang. Masayahin lang talaga tayo. Gusto laging sama-sama, laging maingay, laging masaya. Kahit lumuluwa na bituka mo kakasuka, o di ka na makagapang pauwi, okey lang. Kahit pa nga di mo na rin naman natatandaan kung pano ka nakauwi, o kung ano pang mga kabulastugan ang pinaggagagawa mo kagabi, oks pa rin. Basa lang ng Basa…

Nasusuka Ako…

November 22nd, 2008 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 11 Responses

Hansama ng pakilasa ko kahapon. Daig ko pa me hangover sa gin buko.

Nasusuka ako na di ko malaman. Di naman ako uminom. Tagal na ko di umiinom. Hindi dahil goodboy na ako at bawal sa rayuma ko. Wala lang akong kainuman. Mahirap atang uminom mag-isa. Subukan mong uminom mag-isa, para kang kawawang koboy na nawalan ng alagang indiyan.

Medyo masakit din ang ulo ko. Feeling ko uminom ako ng red horse na me halong coke. Ano? Di mo pa nasubukan i mix yun? Kumuha ka ng limang red horse, haluan mo ng isang litrong coke, yun. Sarap! Lasang ice candy. Kaya lang medyo gagalaw galaw ka. Pag kasi di ka gumalaw, baka ka ma-istroke. Lakas kasi sipa, kaya lakas tama.

Kaso nga, di naman ako uminom kaya di ko mawari kung bakit ako nasusuka. Di naman ako buntis. Kasi bukod sa inurungan na ako, wala din naman akong matris.

Para mawala ang masamang sumpa, pilit kong dinutdot ang aking throat. Nahila ko na ang tonsil ko, wala pa rin. Pahinga muna ang lolo mo para makabwelo. Sakto, parang hulog ni Kulapo, me sagot sa problema ko, nakita ko sa email ko….

Lasing1: Pare nasusuka ako..

Lasing2: Dutdutin mo ng daliri yung lalamunan mo..

Lasing1: Ayaw eh..

Lasing2: O sige, dutdutin mo ng daliri yung pwet mo..

Lasing1: Hmnn.. sige.. Ayaw din!

Lasing2: O sige dutdutin mo ulit yung lalamunan mo, pag di ka pa nasuka nyan ewan ko.

Sempre, di ko sinunod yan. Ano ako bale?

Esep esep ko kung ano ang mga nakain ko. Wala akong maisip. Kaya siguro masama pakilasa ko, kasi wala pa pala akong kinakain.

Byahilo sa San Pablo

July 17th, 2008 by BURAOT Categories: Samahang Butong Pakwan 5 Responses

(hango sa librong “Alamat ng Tropang X”)

Katatapos lang ng mid-term. Kahit na minamani lang namin ang mga exam, sempre kelangan pa rin naming i-relaks ang aming brain. Kaya sempre pa, bakasyon muna ang tropa. Dahil sempre kakaiba dahil kami ang bida rito, kailangan yung gimik namin mala-impakto rin.

Napagkaisahan ng trops na dun na lang muna kami kina Kitkat sa San Pablo, Laguna mag-relak. At dahil medyo malayo ng konti sa Maynila, at para me adventure din, napagkaisahan naming wag nang dalhin ang Wrangler na pang-harabas ni McGyver, commute na lang kami. Basa lang ng Basa…

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes