October 4th, 2007 by BURAOT
Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot
2 Responses
Hayskul pa lang, tomador na ako. Kahit ilang araw ang inuman, di mo ko mapapasuka, lalo nang mapapatumba.
Bagsak na lahat, nakatayo pa ko. Pinang-mumumog ko lang yang beer sa umaga tol. Ganun ako katindi. Lahat kainuman ko, mga kriminal dun sa me riles, mga tambay, mga siga-sigang lolo na. Kahit sino basta me alak. Kahit paghalu-haluin mo pa, sisiw, alang wenta.
Kaya medyo nagulat ako nung madalas ako naba-blackout. Iniisip ko, baka naman lason na ang ipinapainom sa kin ng mga ulol na kainuman ko. Di kaya? Basa lang ng Basa…
(Hango sa librong “Alamat ng Tropang X”)
Nakasakay kami sa isang karag-karag na jeep, pauwi na. Kahit medyo amoy alak pa kami, okay lang dun sa ibang pasahero, iilan lang naman kaming sakay. Yung isang mama mukha ngang galing pang beerhouse, me tsikinini pa sa leeg.
Etong si Omar nagwawala pa. Awat awat namin kasi baka mahulog sa jeep. Sige sya ng kasisigaw, “Papatayin ko talaga yun, tol. Papatayin ko!”. Basa lang ng Basa…
October 1st, 2007 by BURAOT
Categories: Samahang Butong Pakwan
One Response
(hango sa librong “Alamat ng Tropang Ekis”)
Kampai!!!!! Kampai!!!
Ayos, nagkapangalan na din ang grupo. As usual, pakana yun ni Jordan. Sya kasi ang pinaka-alaskador sa grupo namin kaya sya rin ang nangunguna sa pagbibigay ng alyas at pangalan sa kung anu-ano, mapa-tao man yan o hayop. Hayop.
At eto na nga, andito kami sa loob ng isang VIP room ni Aling Bising, nagpapaka-saya at sempre, Kampai!!! Nagpapakalasing sa kaligayahan. Pinagdiriwang namin ang isang importanteng araw sa buong kasaysayan ng Intramuros. Basa lang ng Basa…
SikatchuPosts