Dahil malapit na ang haloween, eto na po ang pinaka hihintay ninyong update sa mala-impaktong pakontest ng site na ito. Para lang po hindi malabnaw sa lahat, narito ang sagot sa iba ninyong mga mala-impaktong tanong.
Sikatchupoy si BURAOT Contest? Ano yan?
Yan ang mala-impaktong pakontest ng site na ito.
Eh ano naman ngayon?
Wala lang. Magpapamudmod lang naman si Buraot ng humigit kumulang one thawsand syete mil $550 as in amerkanong dollars sa mga sasaling mga blogs sa pautot na ito.
Talaga? Ganun kalaki?
Oo, pramis. At me kasama pang entrecard credits. Kaso yung entrecard credits, hulugan kasi me bagong rules ang entrecards na kelangan 1000 credits a week lang ang pwede i-transfer.
Baka naman drowing lang yan?
Aktwali, bagsak si Buraot sa art class, pati na rin sa penmanship at homeroom. At kung drowing lang yan, eh sira ang kabuhayan ng mga blogs ko.
$550? as in Dollars? Huwaaw!
Bale yan ang total na papremyo.
1st prize ay $300 at 3000 entrecard credits
2nd prize ay $100 at 1000 entracrd credits
3rd prize ay $50 at 500 entrecard credits
at $100 na consolation prize sa mapipiling pinaka-matindi o makabagbag-damdaming post.
Hanyaman mo naman! Saan naman galing yang mga papremyo mo?
Ang mga pa-premyo ay mula sa iba’t ibang sources nakikilan ko. Ang iba ay galing sa aking pinag-pokpokan sa ibang blogs, at ang iba naman ay galing sa ibang mga kopong kopong na sponsor ng blogs ko. At ang pinakamalaking parte ay galing sa pamana sa akin ng nasira kong malayong kamag-anak sa Nigeria.
Teka.. teka… Pano naman pipiliin ang mananalo?
Balak ko bobolahin lang dun sa likod ng sagingan. Pero baka gumamit na lang ako ng randomizer sa internet o gumamit na lang ng tambiolo at i-video or baka gagayahin ko na lang ang pautot ni badudels ng www.kwentongbarbero.com. Kung me ideya ka naman, sabihin mo lang.
Bago lang ang blog ko, pwede ba ako jan?
Wala ng limit kung kelan nag-umpisa ang blog mo. Ayon sa revised rules na pinirmahan ni Bush, lahat ng blogs, pasok na. Kung tapos na ang kontest, at dun ka pa lang gagawa ng blog, eh sa ibang kontest mo na lang yan isali, yung pang eng eng.
Kelan ba ang tapos ng pakontest mo?
Ang huling usapan namin nung mga kubrador ko at bookies ay November 30. Deadline for submission of entries ay November 30, 2008, 11:59 PM, Pacific Standard Time (ibig sabihin oras dito sa Amerika kung san ako nagkukuta). Ito ay para bwena manong pang krismas shopping sa mananalo at di naman ako mamumulubi bago magpasko.
O sya, eh papano naman kami sasali?
Simple lang ang pinaka-punto ng pakontest na ito, i-link mo lang ng 2 beses ang site na ito. Una, ang bagong domain/url ng site na ito na www.anaknikulapo.com, at isa sa mga post ng site na ito, kasali ka na. Ganun ka desperado magka -link ang me ari ng site na ito.
NOTE: as in importante: Pagkatapos mo mag-post ng entry mo, wag mo kalimutang kontakin ang me ari ng site na ito sa pamamagitan ng pagpo-post ng comment kahit saan sa site na ito o thru email sa buraot101@gmail.com kasi minsan mabagal ang aking mga auto-bots na alagad, di agad mahanap ang link. Wag mo ipapadaan sa post opis, mahaharang.
Para sa karagdagan, mas detalyado at pampalitong impormasyon, bisitahin ang mismong Contest Page sa pamamagitan ng pag-klik here. Oo dyan nga!.
SikatchuPosts