Menemis McGyver

June 23rd, 2010 by BURAOT Categories: Mala Cachupoy 8 Responses

Isa sa mga sikatchupoy na characters sa tv noong bata pa ko ay si McGyver.

Kung merong James Bond sa pelikula, sya na halos ang katumbas nito. Maliban na lang na wala naman syang high tech na mga gadgets at hindi rin naman sya secret agent.

Mala super hero, baka pa. Kunsabagay, lahat naman ng bida, mala-super hero ang dating.

Kumbaga sa Pinoy, ang bida hindi pwedeng mamatay. Dahil kagaya nung pelikula ni FPJ na namatay sya, sa sobrang sama ng loob ng mga manonood na jejemons noon, binomba nila yung sinehan.

Kaya kita mo, di pwedeng mamatay si FPJ buhat noon. Kung mamamatay man, laging buhay ulit. Enihaw, wala akong balak buhayin ulit si FPJ, naisingit ko lang. Basa lang ng Basa…

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes