Bagong Songers

November 30th, 2008 by BURAOT Categories: Palatastas 13 Responses

Hayan, linggo na naman. Kaya naman tapos na ang kontrata nung mga songers jan sa gilid na pang kabaret. Kelangan, bago bago na naman.

Dahil lagi naman akong walang mai-post dito kundi mga kabulastugan at mga bagay na walang kawawaan, papanay panayin ko na. Tuwing linggo ng pagkabuhay, aarkila ako ng mga banda o mga songers na galing Pinas. Tutal tagalog naman itong blog na to, dapat lang na mga OPM din ang mga banat na sounds dito. Para bagay sa motiff.

Ipinahinga ko na muna yang ika nga ni pareng Bluepanjeet, ay kabaret music. Nyahahahah! Nakapasok ka na ba sa kabaret? Iisipin mo, sa tinanda tanda kong ito, nakapasok na ko? Hindi pa no? Panahon pa ni Palito yun. Si Cachupoy lang ang inabot ko. Basa lang ng Basa…

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes