Sandamakmak na Singkong Kulot

January 26th, 2010 by BURAOT Categories: Blog Contests 21 Responses

Narito na ang iyong chance upang magkamal ng sandamakmak at sandamukal na singkong kulot. Ang aking blogging trops na si Pehpot ay may pautot at mamimigay ng humigit kumulang sa $500 na tumataginting.

At sempre pa, major sponsor ang lolo mo kaya natural na ipa-plug ko. Pero kung ayaw mong magtampo sa bigas, eh sumali ka na dahil ang rules ay simpleng sinple pero rock. Wala kang dapat gawin kundi tumalon sa bangin ipangalandakan ang pautot na ito ni Pehpot o i-review ang mga Major sponsors na kagaya ko. Heheheh. Basa lang ng Basa…

Palayuan ng Ihi

August 19th, 2009 by BURAOT Categories: Blog Contests 16 Responses

palayauan-ng-ihiKung dito sa blogosphere, marami ang nagpapataasan ng ihi, wala yan sa amin sa bolok-bolok. Dahil lahat mahahangin, di na kelangan ng mga tao na magpataasan ng ihi. Nagpapalayuan na lang ng ihi. Ahihihihi.

Dahil napagwentuhan yung mga pakontest nung nakaraang post ko, eto ang isa pang classic na promdi. At least dito di mo na kailangan ang rules na pabago-bago dahil mas simple pa ang pakulong ito kaysa sa “simpleng writing project” ni Janette Toral.

Wala kayong gagawin kundi magpalayuan ng ihi. Simple di ba? Basa lang ng Basa…

Malamig Ba Ang Iyong Valentayms?

January 26th, 2009 by BURAOT Categories: Mala Cachupoy 22 Responses

sexy_mouseWala ka bang ka-date ngayong darating na pasko valentayms? Mahilig ka ba? I mean mamasyal? Mahilig ka ba manligaw? O nagbabalak ka pa lang manligaw pero di mo alam kung papano?

Ikaw ba ay katulad ng iba dyan na playboy kuno pero wala namang syota? Ikaw ba ay nangangarap na maligawan man lamang bago ka mag menopause? Ikaw ba ay mahilig makipag-lambutsingan? O naghahanap ka pa lang ng manlalambutsing sa yo?

Bakit ang dami kong tanong kahit alam kong di ka naman sasagot? Basa lang ng Basa…

Wala Yan Sa Lolo Ko!

December 11th, 2008 by BURAOT Categories: Alamat ng Kopong Kopong, Basta Pinoy Koboy 22 Responses

Buhay pa ba lolo mo? Wala yun sa lolo ko!

Pero saka na yung mga kopong kopong jokes tungkol sa lolo mo, tutal wala naman yun binatbat sa lolo ko. Eto at me sinalihan na namang kontest.

Eh ano naman magagawa ko kung mahilig talaga itong si Lolo Ambo ko. Ako naman eh, kung saan ka masaya, suportahan kata!

Itong huli, medyo di ko maintindihan, basta, suport lang ng suport. Kahit moral support lang.

Basta kasi kelangan ko daw ipangalandakan na ako ay isang supot support ni Lolo Ambo.

Ang lagay ba naman eh… Basa lang ng Basa…

Bagong Pautot ng Lintekard

October 8th, 2008 by BURAOT Categories: Blogag 20 Responses

Kung meron kang entrecard, alam kong alam mo na ito. At alam ko ding alam mo na alam ko na alam mo mo na yun. Eh yung mga di pa nakakalam? Alam ba nila na di pa nila alam yung nalalaman mo at nalalaman ko?

Eh ano naman ang paki ni Kulapo eh wala namang lintekard itong site na ito?

Kasi naman po, yung iba kong sites meron. Eto lang ang bukod tanging wala kasi Tagalog blog ito. Kelangan dun spokening dollar. Ayoko namang mag-englis dito. Bukod pa dun sa merong lintekard yung ibang sites ko, apektado pa rin si Kulapo.

Nalimutan mo na ba? Dun sa mala-impakto kong pautot na na di ko mabilang ang mga sumasali (eleven lahat), bukod sa greenbaks, nagpapamudmod din ako ng entrecard credits? Basa lang ng Basa…

Sikatchupoy si BURAOT Contest: Pwede Ka Na!

August 8th, 2008 by BURAOT Categories: Blog Contests 15 Responses
Isip isip ko, bakit ba ako nagpapamudmod ng libo-libong singkong kulot? Bakit ba ako namimigay ng entrecard credits? Bakit? Bakit? Bakeeeeeettt?


Umakyat ako sa bundok ng tralala para mag-agam agam, at humingi ng kasagutan. At sempre, nag-ala Plato na naman ako. Hindi plato na pinggan na pinaglalagyan ng tsibug. Plato na kumpare ni Aristotle, nukaba?

Kasi napansin ko, April Fools Day ko pa ipinaskil sa blog ko yung pautot ko. Kahit pa malaki ang premyo, $550 suma total at 4,500 EC, ng aking mala impaktong pautot, ang Sikatchupoy si BURAOT Contest, ilan pa lang ang sumasali. Kahit pa walang entrance fee, walang bumibili ng paninda ko.

Siguro marahil subalit datapwat dahil…. wala din naman kasi akong oras para mag-bloghop at i-network ang blog ko kaya di ko mai-anunsyo ang pa-kontest ko. At dahil matigas din talaga ang ulo ko, walang Ingles sa mga post ko, kaya bihira rin ang makatsamba sa site ko. Yoko kasi mag-Inglish dito baka duguin ilong ko. Dami mong satsat, wala lang talagang kwenta ang site na to kahit na anong suhol ang gawin mo. Kunsensya, tumahimik ka.

Kaya para mas madami ang maka-alam ng mahiwagang pakontest ko at ng blog ko, naisipan kong gawin ang mga sumusunod:

1. Kumuha ng paid ad, whole page, sa Inquirer.
2. Gumawa ng commercial na ipapalabas sa Wowowee at sa Eat Bulaga
3. Magpagawa ng campaign jingle ke Lito Camo.
4. Ilagay ang piktyur ko sa lahat ng dyip ng Piston at Fejodap, pati na rin sa mga bus byaheng probinsya.
5. Taasan ang aking campaign fund mula sa $550 prize at gawin itong $550,000 o kaya naman ay
6. Wag nang mag-blog. Tumakbo na lang na Presidente.

Kaya naman, nirepaso ko (ulit) yung rules. Tutal, links lang naman ang habol ko (nating lahat), inalis ko na yung time limit sa kung kelan pinanganak yung blog ng mga sasali.

Ayun sa rules na imbento ko lang, para makasali sa Sikatchupoy si BURAOT Contest, dapat ang blog mo ay in running condition na bago pa mag April01, 2008. Pero dahil nilalangaw ang pakontest ko sa apila ng libo-libong naligaw ng landas, pina-veto ko na ke pareng Bush ang rule na yun. Lahat ng blog ay pwede ng sumali kahit na kakapanganak mo lang.

Ang pinaka importante, ang premyo.

Grand Prize:
1. 3,000 entrecard credits at
2. Pumili ng isa sa mga sumusunod:
a. Three hundred dollars,
b. Tatlong daang dolyares,
c. Tres syentos estados unidos dolyares, o
d. Tatlong plastic balloon (used)

Second Prize:
1. 1, 000 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusonod:
a. One hundred dollars,
b. One hundred pesos,
c. Isang daang baku-bako, o
d. None op da above

Third Prize:
1. 500 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusunod:
a. Fifty dollars,
b. Singkwenta pesos,
c. Limampung pirasong sinkong kulot, o
d. Tenkyu mula kay BURAOT

$100 Consolation Prize: (Kita mo naman sa pakontest, me consolation prize pa.)

Para sa paraan ng pagsali at sa iba pang mga detalye, click mo lang mukha mo dito o dun sa link sa gilid at sa lahat ng mga link na makikita mo dito sa site ko.

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes