Ala’y Mamay, Wag Ka Nangengelam

February 12th, 2010 by BURAOT Categories: Boy Bastos 17 Responses

Minsan, nakatayo ako sa may peryahan at nanonood ng naglalaro ng beto-beto. Pangas pangas ko ang sandamakmak na kending bagkat. (Kung di mo alam ang bagkat, maghanap ka nag lolong batanggenyo, tanong mo)

Kahit na nangangawit na ang panga ko sa sobrang lagkit ng bagkat, nguya nguya pa rin ako. May isang mama na busy kakataya na napalingon sa akin. Hihingi yata ng bagkat.

“Utoy, masama sa ngipin ang masyadong maraming kendi. Hindi yan maganda sa katawan at sa batang tulad mo. Sige, magkakaroon ka ng maraming taghiyawat sa mukha, mabubulok lahat ng ngips mo, at magiging lumba lumba ka.” sabi ng pakialamerong mama. Basa lang ng Basa…

Ang Kawawang Koboy

August 10th, 2009 by BURAOT Categories: Da Adventures of Kid Buraot 18 Responses

kawawang koboyHindi ito tungkol kay Fred Panopio. Ngayon for sure malamang di mo nakikilala si Fred Panopio.

Kaya mas mabuti pa, tuwing papasyal ka dito, make handy your own lolo para meron ka ring handy dandy notebook thesaurus cum dictionary cum wikipedia.

Tungkol kanino ba ito? Kanino pa? Kanino bang blog ito? Basa lang ng Basa…

Kryptonite

January 1st, 2009 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 16 Responses

xrayDi ko na-enjoy ang holidays. Kakalabas ko lang ng Q.I.

Halos dalawang linggo na kasi akong inuubo, natabunan na ng plema (ekskyusme po) ang buong pagkatao ko. Di na ako makahinga. Feeling ko ako si Superman na sinabitan ng green kryptonite. Hinang-hina na ako. Hinahapo. Nung una, para lang akong si Inday Garutay, di nagtagal, nawala na ng diretso ang boses ko.

Kaya takbo na ako sa ospital. Basa lang ng Basa…

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes