August 19th, 2009 by BURAOT
Categories: Blog Contests
16 Responses
Kung dito sa blogosphere, marami ang nagpapataasan ng ihi, wala yan sa amin sa bolok-bolok. Dahil lahat mahahangin, di na kelangan ng mga tao na magpataasan ng ihi. Nagpapalayuan na lang ng ihi. Ahihihihi.
Dahil napagwentuhan yung mga pakontest nung nakaraang post ko, eto ang isa pang classic na promdi. At least dito di mo na kailangan ang rules na pabago-bago dahil mas simple pa ang pakulong ito kaysa sa “simpleng writing project” ni Janette Toral.
Wala kayong gagawin kundi magpalayuan ng ihi. Simple di ba? Basa lang ng Basa…
November 23rd, 2008 by BURAOT
Categories: Palatastas
5 Responses
Linggo na naman.
Kapag linggo, namamasam-an ako. Di ko malaman. Tamang senti. Wala magawa. Yung ibang blogs ko, inaamag na naman. Wala kong ganang magsulat. Wala lang, trip ko lang.
Linggo na naman.
Pag ganitong araw, kahit pa walang ITCZ o Low Pressure Area na ina-aanounce si Kuya Kim, naghahalo ang hanging amihan at hanging habagat, pinupuno ang aking half-empty at half-full na kukote.
Hayan, naistorbo pa ang pagmumuni muni ko. Me pumasok na bubuyog dito sa bintana ko. Muntik pa ko mahagip. Buti na lang hayteck ang gamit ko, sa halip na lumang dyaryo, playboy magasin. Durog sya dun. Kawawang bubuyog, di na sya makaksimsim ng kahit anupang flower. Kapon na sya ngayon. Basa lang ng Basa…
Noong nag-aaral pa ko sa Manela, lagi kaming kinakantyawan sa iskul namin kapag nalaman nilang taga-Timbuktu ako.
Kasi nga maraming mga sandugong Mangyan sa Timbuktu, akala nila lahat ng taga-dun, Mangyan na din. Pero okey lang naman kahit tawagin nila akong Mangyan. Eh ano naman? Akala lang nila masyadong malayo sa kabihasnan ang Timbuktu. Eh sa totoo lang, malapit lang naman.
Mula sa Manela, sasakay ka lang ng traysikel paputang kanto. Tapos nun, sasakay ka ng dyip papuntang Lawton o kaya Cubao o Pasay. Pagdaan mo ng Pasay, wag ka lang dadaan sa mga motel dun dahil matatagalan ang byahe mo.
Tapos sasakay ka ng bus papuntang Ala-eh pier at dun ka sasakay ng darko o kaya dangka dahil kelangan mo tumawid ng pacific ocean. Pagdating mo sa kabilang ibayo, andun ka na sa Timbuktu at sasalubungin ka na ng mga Mangyan with matching bulaklak na para kang presidente ng tralala.
Pero di p dun nagtatapos ang byahe mo. Para makarating ka sa bayan ng lolo ko, kelangan mo uling sumakay ng dyipni hanggang makarating ka sa mismong bayan ni kulapo. Kung taga-bukid ka naman, sasakay ka ulit ng traysikel o kaya isa na namahg dangka.
Lapit lang. Basa lang ng Basa…
SikatchuPosts