June 25th, 2009 by BURAOT
Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot
23 Responses
Wala na. Tuluyan nang nag-disappear ang aking kakaibang superpowers. Hindi ko kasi natesting nung nakaraang Biyernes Santo kaya buong taon, medyo palpak yung epektibity.
Di rin umubra yung utility belt ko, kasi pang villain lang yun, eh bida ako dito kaya di pede gamitin sa akin. Kaya no choice ako kundi i weather out na lang yung tama ng aking ma-alamat at mahiwagang rayums.
Unang nagpakyut yung kanang ankle ko, lumobo na naman na parang hinipan ni kupido. As usual, laklak lang ako nung nakagawiang pangontra sa kulam na Ibuprofen. Yun lang naman ang binibigay nung kakilala kong albularyo dito. Iniiba-iba lang ang naman dosage, depende sa trip. Basa lang ng Basa…
November 13th, 2008 by BURAOT
Categories: Samahang Butong Pakwan
27 Responses
Kakagising ko lang.
Dahil malamig na dito sa kuta ko, syempre sarap matulog. Dose oras ako natulog. Medyo sumasakit na naman kasi ang paa ko kaya maaga akong boundary. Di na ko nag-online, di na rin ako nag-almusal. Pagkabihis, sinilip ko lang sa salamin ang aking abs abs abs abs na 12 pack, diretso na ako sa kama. Alas otso yun ng umaga. Basa lang ng Basa…
September 23rd, 2008 by BURAOT
Categories: Blogag
19 Responses
Salamat sa mga naghahanap at nagtatanong kung buhay pa ako. Awa naman ni Lord, humihinga pa. Kung ikaw naman eh isa sa mga pinagkakautangan ko, hindi ako ito.
Grabe, tagal ko din nawala sa ere. Na censor kasi ako sa ere. Ang hinayupak na gotatay.com na yan, itinakbo ang domain ko. Mahabang kwento. Kasing haba ng edad ni kopong kopong.
Nagkasakit kasi ako. Hinde, hindi aids. Age. Ang hinayupak kong rayuma na to, umatake ng husto. As in di na kinaya ng powers ko at napilitan akong magpa doktor. Para akong imbalido. Kung anu anon tuloy na mga superpowers ang kelangang isaksak sa akin.
At habang nagpapagaling ako, naispatan kong niyari pa ako ng gotatay.com na yan. Mantakin mong bayad na ako ng domain ko for 2 years in advance, dahil isinara ko yung bank account ko, ni-lock out ako. Mga hayuff. Wala ka naman mahagilap sa customer service.
Sya ska na ang kasunod ng wento. At eto nag-aayos na naman ako ng one thousang syete mil kong mga anik anik. At sempre, kita mo naman, iba na naman ang domain nito. Pero sinigurado ko ng okey ito dahil sinunod ko na yung payo nung aking tech suport na si kotsengkuba.
Kaya kung sinisipag ka, paki update mo na lang yung link ko sa yo ha?
SikatchuPosts