Piktyur Piktyur: Gusto Mo Mag Picnic?

December 18th, 2008 by BURAOT Categories: Plangak Signs 6 Responses

picnic tayo?

Parang gusto ko rin mag-picnic…

Pasko Paksiw

December 15th, 2008 by BURAOT Categories: Basta Pinoy Koboy 17 Responses

Walang pilipit dito. Sa amin sa Timbuktu, laging me naglalako ng pilipit. Kasama sa mga tinda nya yung mga butsi at mga bibingkang kanin.

Wala lang, naisip ko lang.

Pasko na kasi. At sempre pag pasko, lagi kong naiisip ay sempre yung mga bagay na marami sa Pinas. Kahit kasi maraming bagay at pagkain na Pinoy ang makikita mo dito sa isteyts, marami din ang wala.

Puto bumbong at bibingkang bagong luto, simbang gabi, inuman sa kalye, mga paslit na nangangaroling gamit ang gawa gawa lang na tambol na lata ng promil, at saya kapiling ang mga mahal mo sa buhay. Wala nun sa isteyts.

Bago ako tuluyang maging best actor dito, lilibangin ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng lagi kong libangan pag pasko. Ang all-filipino Twist. O basahin mo yan ha, walang dayaan..

Bawal ang Paskiw. Kelangan Paksiw. Game…. Basa lang ng Basa…

My Peborit Tsibog!

December 3rd, 2007 by BURAOT Categories: Basta Pinoy Koboy, Mala-Impaktong Buhay Buraot 2 Responses
Eto pa, isa pang tag mula kay kittikat. Sabi sa tag, kelangan ko mag-post ng piktyur ng aking peborit na tsibog. Kaso mo, baka pag ipinost ko dito yung aking talagang peborit na peborit na pagkain, baka maisara itong blog ko ala boy bastos. Hmnnnnn…

Kaya eto na lang, ang aking second peborit, filet mignon (naks sosi ka pre!). Katulad ng aking mga ninuno na mahilig maghanting ng mga kung anu-anong kahayupan at mahilig bumiyahe ng tapang dinosaur, natural kasi akong mahilig sa karne.

Parang bigla tuloy ako na-tomjones.
At pagkatapos nitong steak sempre, kelangan pasundan ng pampatunaw.

Yannnn… pwede yan cocktail o kaya dessert! (tama nga ba ispeling ko ng dessert? baka mamya buhangin makain ko)

Pag trip ko naman lokal, katalo na ko sa pritong galunggong at bahaw (jologs!). Basta lang sasabawan ko ng kape. Slrrrpp! Sarap. Ala ay kasarap!

Hay… tenkyu, Lord. Malapit ko na ring maubos ang mga meme at tags. Malamang abutin ako ng pasko nito. Pasko? Paksiw? Paskiw? Pakso? Ah basta!
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes