Expelled sa Sariling Blog

October 16th, 2009 by BURAOT Categories: Blogag 22 Responses

still aliveHuwaw! Isang buwan pala akong wala dito. Ambilis ng panahon. Dati rati nagja-jogging lang ako sa may Roxas Boulevard. Wehehehh.

Muntik na akong ma-expel sa sarili kong blog. Lagi daw akong absent, wala namang excuse letter na pirmado ng lolo ko.

Wala lang, nagpapapansin lang na kahit kinakapos ako lagi ng paghinga, alaive na alive pa po ako. At magpa hanggang ngayon di pa rin ako masyado makapag-blog sa mga kadahilananang: Basa lang ng Basa…

Tawasin Mo Ngunit Kulang

June 25th, 2009 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 23 Responses

karayomWala na. Tuluyan nang nag-disappear ang aking kakaibang superpowers. Hindi ko kasi natesting nung nakaraang Biyernes Santo kaya buong taon, medyo palpak yung epektibity.

Di rin umubra yung utility belt ko, kasi pang villain lang yun, eh bida ako dito kaya di pede gamitin sa akin. Kaya no choice ako kundi i weather out na lang yung tama ng aking ma-alamat at mahiwagang rayums.

Unang nagpakyut yung kanang ankle ko, lumobo na naman na parang hinipan ni kupido. As usual, laklak lang ako nung nakagawiang pangontra sa kulam na Ibuprofen. Yun lang naman ang binibigay nung kakilala kong albularyo dito. Iniiba-iba lang ang naman dosage, depende sa trip. Basa lang ng Basa…

Gumapang Kang Hubad sa Kulugong Ibabaw

June 18th, 2009 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 20 Responses

seniorbatmanMahigit isang linggo na naman akong gumagapang sa lusak, sa putik na kulang na lang ay paglubluban ng kalabaw.

Gamit ang aking mahiwagang araro tungkod, taas noo pa rin akong nagpipilit kahit na namimilipit na lumabas labas ng bahay at maglabas masok sa trabaho. Dangan naman kasi eh umatake na naman ang isa sa aking major problem.. ang aking rayums. Basa lang ng Basa…

Bonjour Mang Kepweng

April 25th, 2009 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 5 Responses

frenchieDi na naman ako makahinga. Di na kinaya ng powers ko kaya no choice ako kundi pumasyal na naman ke Mang Kepweng.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa clinic, diretso kami sa regular naming ritwal. Diretso ako sa kiluhan para timbangin.

Napangiti na lang ang nars nung makita nya na nadagdagan na pala ako ng limang kilong libag. Basa lang ng Basa…

Another Priceless Moment

January 23rd, 2009 by BURAOT Categories: Basta Pinoy Koboy 12 Responses

paturok paturokIsa na namang priceless moment.

Nung nasa ospital pa ako, tinanong sempre ako kung me medical insurance ako, sempre dahil bagong lipat pa lang ako dito, wala. Di naman nila ako inilipat sa San Lazaro Hospital kagaya nung ginagawa sa Pinas kapag mukha kang walang pambayad.

Diretso ang serbisyo nila at pagkakalikot sa buong katawan ko. Tuloy tuloy pa rin ang dutdot ng mga karayom sa lahat ng singit ko. At tuloy pa rin ang minu-minutong pagsipsip nila sa dugo ko para pag-aralan kung kulay pula ba talaga ito o maroon. Basa lang ng Basa…

Sakitchupoy si Buraot

January 22nd, 2009 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 8 Responses

sundot kalikotHindi. Hindi ito bagong pakontest. Although me niluluto ako dun sa bago kong site.

Lately kasi eh masyado akong nagiging sakitin. Pramis, pipilitin ko nang bawasan ang mga post na tungkol sa mga sakit sakit. Balak ko nga magtayo na lang ng blog tungkol sa medicine, kaso baka me maligaw na kagaw na naging kaaway nina Reynz at Bluepanjeet dito, mahirap na. (wink) Basa lang ng Basa…

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes