January 6th, 2009 by BURAOT
Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot
27 Responses
Babangon ako at dudurugin kita…. peste kang ahem ka!
Naulanan ako ng snow. Dumating si Ahem. Di na umalis. Dumaan ang pasko. Makalipas ang Pasko, pumasyal na ko ng QI noong 29, di na kasi kaya ng powers ko. Pinauwi din ako, pinabaunan na lang ako ng agimat. Nakapag online ako nung Jan.1. Nag-email sa ibang trops, bumati sa ilang prensheeps sa prenster, nag post ng blog.
Yun na. Nawala na yung baga ko. Basa lang ng Basa…
January 1st, 2009 by BURAOT
Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot
16 Responses
Di ko na-enjoy ang holidays. Kakalabas ko lang ng Q.I.
Halos dalawang linggo na kasi akong inuubo, natabunan na ng plema (ekskyusme po) ang buong pagkatao ko. Di na ako makahinga. Feeling ko ako si Superman na sinabitan ng green kryptonite. Hinang-hina na ako. Hinahapo. Nung una, para lang akong si Inday Garutay, di nagtagal, nawala na ng diretso ang boses ko.
Kaya takbo na ako sa ospital. Basa lang ng Basa…
December 19th, 2008 by BURAOT
Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot
13 Responses
Kahit ilang taon na ko dito sa isteyts, bihira ako makakita ng snow.Kasi naman sa LA, wala nun. Maliban kung pupunta kami sa me mga boondocks. Pero dito sa bago kong pinagkukutaan, nagkakaron daw, pero di gaano.
Nung Biyerenes ng gabi, sabi ng PAGASA, me hanging amihan daw na parating at bobombahin daw kami ng snow. Kaya naman pinaghandaan ko sya. Inilagay ko sa bulsa ng jacket ko yung kopongkopong kong de-negative na camera.
Eksayted ang lolo mo. Ngayon, feeling ko nasa states na ako. Dun kasi sa LA, para ka lang nagpunta sa Pandacan, ganun. Puro mga Pinoy din ang mga kasama mo dun. Saka sempre, walang snow.
Eto, nagsasawa ako ngayon. Kala mo lang masarap. Pahirap pala. Basa lang ng Basa…
September 26th, 2008 by BURAOT
Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot
21 Responses
Ang buong akala ko, mga ka-edad lang ni Kopong Kopong ang kabatak ko. Yun pala pati mga mas sinauna pa ke Mahoma naging trops ko na rin.
Kasi naman, para akong naging alagad ni Moses na pinagkaitan ng daan patungong Pramis Land. Inabot ako ng syam syam, humigit kumulang porty payb years at forty days en forty nights na walang ginawa kundi magmuni-muni kung bakit ko sinapit ito.
Dati-rati nung nasa Los Angeles pa ako, minsanan lang kung umatake etong pesteng gout ko. Ngayon, di lumalampas ang isang buwan, umaatake. Kahit pa anong iwas ko sa mga karneng baka at mani, umaatake pa rin ang hinayupak. At ito ngang huli, men, yun ang pinakamatindi. Basa lang ng Basa…

Malabo akong maging D.O.M. Kasi kahit feeling ko old man na ako, di naman ako dirty. Ganun ka-simple. Di rin ako yung tipong matandang mayamang madaling mamatay. Kasi kahit medyo tumatanda na ko, di naman ako mayaman. At mas lalong di ako madaling mamatay. Masama ata akong damo.
Puro lang tama, pero di namamatay. Ala Lito Lapid. Yun bang kahit nakaluwa na ang bituka nya sa pelikula, buhay pa rin at nauubos pa nya ang kalaban. Ganun.
Ganun na ata ang katulad ko. Kahit puro tama na ko, di pa rin ako mamatay-matay. Bukod kasi sa HIV ko, eto at ilang araw na akong pagapang-gapang sa isa pang sakit na minana ko sa tatay ko. Gout, rayuma, arthritis, kainis. Basa lang ng Basa…
SikatchuPosts