Huling Hirit 2008

January 8th, 2009 by BURAOT Categories: Byahilo, Mala-Impaktong Buhay Buraot 14 Responses

Dahil inabot ako ng pasko at bagong taon sa mental ospital, maraming mga dapat na posts ang di ko naisalpak. Ang aking mala-impaktong year-ender post, mga maalaala mo kaya, mga pasasalamat sa mga cachupoy na nagdaan, mga bumwisita, nangulit, umepal, mga walang kamatayang nagkumento ng “nice blog, x-links?”. Basa lang ng Basa…

Ang Mala Impaktong Sinapian ni Kulapo

December 3rd, 2008 by BURAOT Categories: Linkback Pugak 74 Responses

Matapos ang one thousand syete mil na buntong hininga, marami rami din ang napanisan ng laway, sumakit ang puson, at naipunan ng sangkaterbang muta. Kahit ang iba pa ay walang sawang nagnonobena para makaiwas sa kanilang mga inaanak ngayong pasko. Di mo na ito maiiwasan ngayon. Dahil..  sikatchupoy ka na!

Dito na po nagtatapos ang ating pakontest na porty payb years in the making, ang Sikatchupoy si Buraot Contest.

Una ay gusto nating pasalamatan yung mga nag-aksaya ng oras sa pagdalaw sa walang kawenta wenta kong site. Alam kong dahil sa premyo ay napilitan kayong pumasyal dito. Sa mga nanalo, konrashuleyshuns! Sanay makatulong ang premyo na yan kung saan man dapat makatulong. Pwede na kayo ngayon magpa canton. Sa mga hindi naman pinalad, better luck next taym! Wahahahh! Better luck next taym dahil, because naging successful ang pakontest na ito, ay meron na naman akong niluluto na kasunod.

Sempre, abang abang ka muna dyan sa side.

Eto na, sa tulong ng ating sponsor na random.org, ang mga hinayupak na magmamay-ari ng milyun milyong singkongkulot ni Buraot:

Tentenen tenen! Basa lang ng Basa…

Bonifacio Day, Sikatchupoy Day

November 30th, 2008 by BURAOT Categories: Blog Contests 10 Responses

Pula ang pantalon ko ngayon.

Di ko pa rin alam kung bakit sina Bonifacio, type magsuot ng pulang pantalon. Pwede namang green. Pero pinili nila ang pula. Siguro dahil magda dance revolution sila. Sempre color coding yun pag me gyera.

Tingin ko, yung mga pantalon nila ang dahilan kung bakit kelangan na nila punitin yung mga sedula nila. Para di na sila makilala. Wahahahha! Kumbaga sa commercial ng southwest airlines dito.. “wanna get away?” Kasi nga kahiyaan na sila sa pagsusuot ng pulang pantalon, mas minabuti na nilang wag na makilala.

Kaya naman pinili ko talaga ang araw na ito ang deadline sa pakontest ko.

Kasi katulad ni Bonifacio, nagsuot din ako ng pulang pantalon. Kaya nga di rin ako nagpapakilala. Maliban dun sa minsang iwagayway nila yung mala anghel kong piktyur sa Inquirer, di ko na inulit yun. Kasi bukod sa IRS na humahanting sa kin, pinagtataguan ko din yung mga pinagkakautangan kong Bumbay at mga bookies ng ending dun sa amin sa Dimasalang. Pati na rin yung utang kong limang case ng beer ke Mang Tabog.

Buti na lang di uso sa kanila ang magbasa ng blog.

Paalala lang po. Ngayon po ay Sikatchupoy Day din. Dahil Nov.30 na, deadline na rin ng aking mala-impaktong pautot. Mamayang hatinggabi dito sa pinagkukutan ko, isasara ko na ang mga electronic voting booth.

Kaya yung mga gusto pang humabol, pwede pa kayong magpa photo finish dahil advanced ang oras dyan sa Pinas, me natitira ka pang ilang oras. Wag mo kalimutang magparamdam agad kasi baka di agad mahanap ng mga alagad ko yung mga incoming links.

Sya, sya… tama na ang basa. Post na!

Ilang Tulog Na Lang, Sikatchupoy Ka Na!

November 24th, 2008 by BURAOT Categories: Blog Contests 27 Responses

Ilang tulog na nga lang, jollibee na naman matatapos na ang mala impaktong pautot ni Kulapo.

Sa sobrang daming entry, one thousand syete mil di pa umaabot ng tapwe, di naman ako gaano mahihirapan mag review ng mga entries. At sempre pabor sa mga kasali kasi mas malaki ang inyong tsansang mag- may ari ng milyung milyong singkong kulot.

At dahil di nman ganun kadami, pwede ring palabunutan na lang ng tutpik ang paraan para mapili ang mga mananalo. Naisip ko ding sa likod na lang ng sagingan ang bolahan, kaso di aabot yung cord nung webcam ko. Pwede ring gawing ala bingo, o kaya ilagay sa tambiolo, kaso baka dayain ko sarili ko, mahirap na.

Me kinontak na rin akong magwe hueteng as back-up plan ko para sila ang mangasiwa ng bolahan. Kaya lang, mataas ang hinihingi sa akin nung provincial commander. Basa lang ng Basa…

Sikatchupoy si BURAOT Contest: Pwede Ka Na!

August 8th, 2008 by BURAOT Categories: Blog Contests 15 Responses
Isip isip ko, bakit ba ako nagpapamudmod ng libo-libong singkong kulot? Bakit ba ako namimigay ng entrecard credits? Bakit? Bakit? Bakeeeeeettt?


Umakyat ako sa bundok ng tralala para mag-agam agam, at humingi ng kasagutan. At sempre, nag-ala Plato na naman ako. Hindi plato na pinggan na pinaglalagyan ng tsibug. Plato na kumpare ni Aristotle, nukaba?

Kasi napansin ko, April Fools Day ko pa ipinaskil sa blog ko yung pautot ko. Kahit pa malaki ang premyo, $550 suma total at 4,500 EC, ng aking mala impaktong pautot, ang Sikatchupoy si BURAOT Contest, ilan pa lang ang sumasali. Kahit pa walang entrance fee, walang bumibili ng paninda ko.

Siguro marahil subalit datapwat dahil…. wala din naman kasi akong oras para mag-bloghop at i-network ang blog ko kaya di ko mai-anunsyo ang pa-kontest ko. At dahil matigas din talaga ang ulo ko, walang Ingles sa mga post ko, kaya bihira rin ang makatsamba sa site ko. Yoko kasi mag-Inglish dito baka duguin ilong ko. Dami mong satsat, wala lang talagang kwenta ang site na to kahit na anong suhol ang gawin mo. Kunsensya, tumahimik ka.

Kaya para mas madami ang maka-alam ng mahiwagang pakontest ko at ng blog ko, naisipan kong gawin ang mga sumusunod:

1. Kumuha ng paid ad, whole page, sa Inquirer.
2. Gumawa ng commercial na ipapalabas sa Wowowee at sa Eat Bulaga
3. Magpagawa ng campaign jingle ke Lito Camo.
4. Ilagay ang piktyur ko sa lahat ng dyip ng Piston at Fejodap, pati na rin sa mga bus byaheng probinsya.
5. Taasan ang aking campaign fund mula sa $550 prize at gawin itong $550,000 o kaya naman ay
6. Wag nang mag-blog. Tumakbo na lang na Presidente.

Kaya naman, nirepaso ko (ulit) yung rules. Tutal, links lang naman ang habol ko (nating lahat), inalis ko na yung time limit sa kung kelan pinanganak yung blog ng mga sasali.

Ayun sa rules na imbento ko lang, para makasali sa Sikatchupoy si BURAOT Contest, dapat ang blog mo ay in running condition na bago pa mag April01, 2008. Pero dahil nilalangaw ang pakontest ko sa apila ng libo-libong naligaw ng landas, pina-veto ko na ke pareng Bush ang rule na yun. Lahat ng blog ay pwede ng sumali kahit na kakapanganak mo lang.

Ang pinaka importante, ang premyo.

Grand Prize:
1. 3,000 entrecard credits at
2. Pumili ng isa sa mga sumusunod:
a. Three hundred dollars,
b. Tatlong daang dolyares,
c. Tres syentos estados unidos dolyares, o
d. Tatlong plastic balloon (used)

Second Prize:
1. 1, 000 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusonod:
a. One hundred dollars,
b. One hundred pesos,
c. Isang daang baku-bako, o
d. None op da above

Third Prize:
1. 500 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusunod:
a. Fifty dollars,
b. Singkwenta pesos,
c. Limampung pirasong sinkong kulot, o
d. Tenkyu mula kay BURAOT

$100 Consolation Prize: (Kita mo naman sa pakontest, me consolation prize pa.)

Para sa paraan ng pagsali at sa iba pang mga detalye, click mo lang mukha mo dito o dun sa link sa gilid at sa lahat ng mga link na makikita mo dito sa site ko.

Palatastas #13: Takdang Aralin

May 29th, 2008 by BURAOT Categories: Palatastas No Responses
Babala! Cuidado! Paunawa! Advertencia! Paalala! Warnung! Warning! Reminder! De waarschuwing! Avertissement! Assignment! Homework! Gawaing Bahay! Takdang Aralin! At kung anu ano pang achuchuchu!

Palatastas lang to. Sandali lang ito, pramis!

Nainggit kasi ako sa blog roll ni kampanerong kotseng kuba at nung dyosang palaboy-laboy. Oo na. Inggitero talaga ako ! Kung mapapasyal kayo sa site nila, ang kyut ng blogroll,tayp ko. Kaya esep-esep kong ayusin ulit ang aking list katulad nung pautot nila sa blogrolls nila.

Kung kaya naman, kung gusto mo ding maging kyut sa blogroll ko, kailangan ko ng kopya ng iyong bio-data, 2 x 2 picture id, birth certificate, voter’s id, at 100 pesos na processing fee.

Kung seseryosohin mo yung nakaraang paragraph, malamang ikaw ay blonde o kaya eh bagong salta ka lang dito. Kailangan mo ng welkam palo ng bote ng kwatro kantos sa ulo. O sige, pede na rin ang bote ng emperador.

Ipadala mo lang sa akin ang 125 x 125 pixel pic ng iyong blog at syaang isasalpak kong link sa special section ng aking blogroll. 125 x 125 kasi sikatchupoy na ang entrecard kaya madami na ang meron nyan. Ipadala mo lang sa aking email sa buraot101@gmail.com, o kya naman ay ilagay mo sa airmail, lagyan mo ng selyo at ibigay sa kartero papuntang Timbuktu.

Pinakamadali pa rin ay magdrop ka lang ng entrecard sa 2 ko pang sites na me entrecard, ang The Antisocial at Literary Ekek. (wala dito sa Kulapo kasi bawal dun ang English carabao). Para lang ito sa mga blogs na gawa-gawa ng mga Pinoy hane? Kasi dito ko isasalpak ang special na blogroll sa site na ito.

At obvious naman na pang Pinoy lang kasi di mo maiintindihan ang mga epal ko dito kung di ka noypi. O sige na nga, pwede na rin ang half-half. Half-Pilipino Half-Pilipina. (walaaaaang kasawa-sawa sa cachupoy joke na ito)

At don’t forget pipol, ang aking walang katulad na pautot, Ang Sikatchupoy si BURAOT Contest, sayang ang premyo ano. So far, tatlo pa lang ang nakakapag pasok ng entry. Grabe handami!!! Lampas ng dalawa!

Kaya kung walang iba pang sasali, nyahahahhh! Siguradong wagi na sila lahat tatlo. Hawaaaaa!

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes