Bawal Ang Aso’t Pusa sa Beijing Olympics

August 16th, 2008 by BURAOT Categories: Basta Pinoy Koboy 5 Responses
Grabe ang Olympics na yan sa Beijing. Pinaghandaan ng husto. Lahat ng detalye, planado. Mula sa pagpapatayo ng milyun milyung mga pagdadausan ng events, hanggang kung papano, gagawan ng visual “aids” yung mga fireworks, pati sa pagpapalit ng singer, kelangan bongga.

Pati na rin yung pagkatay sa halos dalawang milyong pusa at aso, talagang pinagbuhusan ng panahon. Basa lang ng Basa…

Siopao na Special

February 5th, 2008 by BURAOT Categories: Basta Pinoy Koboy 4 Responses
Habang nagpapalit ako ng soundtrack, naispatan ko yung mga kanta nina Caloy at ako ay napangiti. Kasi bumalik na naman ang aking remembers noong nasa kolehiyo pa ko.

Di pa sila ganun kasikat noon…. habang nakasakay ako sa dyip, naulinigan ko yung sounds. Usong uso pa naman nun ang grunge at sempre patok din yung kantang Creep ng Eraserheads RadioHeads. At hayun nga narinig ko yung version na Tagalog. Tawa ako ng tawa kase ang ganda ng tunog, rak na rak pero patawa yung lyrics. Hindi sya yung mala-cachupoy na payat ang sounds na ala Yoyoy Villame dating.

Hinanting ko talaga sa Recto at Avenida kung sino ang kantatero na yun at nung naispatan ko na, takbo ako sa Quiapo at nagpa-record ako dun sa Raon dala-dala ko yung aking tigli-limang pisong blank tape.

Eh sino ba naman ang hindi nakarinig nung Siopao na Special (karneng pusa). Super Special! Biruin mo, hello kitty flavor. Ang sabi nung tropa kong si kopong kopong, taste like chicken daw. Eh lahat naman taste like chicken no. Kahit na yung bayawak, buwaya, ahas at unggoy na natikman ko sa Timbuktu, lasang chikenjoy din. Pero yung pusa daw malamig sa tyan. Sarap daw pampulutan sa gin bulag. Ukkk.


(Miyawwwwwrrrr!)

Buti na lang kase mas tayp ko pa rin sa Kowloon. All time peborit ko yun. Kase nung tambay pa ko sa Dimasalang, si kumander pag umuuwi galing trabaho, laging me pasalubong na Kowloon para sa kanyang panganay. Ako yun tol.

Di bale nang hindi malamigan ang tyan ko.

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes