Walang Pala Pala

January 9th, 2009 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 4 Responses

sweeperNung unang dating ng kakaibang delubyo snowstorm, nayari nga ako. Palibhasa sanay ang aking mala adonis na body sa sikat ng araw sa Sunny California, nanibago ito ng husto. Kaya ayun, muntik nang bumigay.

Nung ma-stuck ako sa niyebe at iniwan ko si Tagpi sa tabing-daan. Pinlano ko na bumili ng tire chains at sempre shovel para alisin sya sa pagkakabaon sa snow. Kaso mo nga, medyo malayo sa mga suking tindahan kaya no choice ako kundi kayurin na lang yung yelo sa pamamagitan ng ilang CD na di ko naman masyado pinapatugtog. Yun ang ginamit ko pagkudkod sa yelo sa ibabaw at salamin ng kotse. Basa lang ng Basa…

Buraot Drift

December 20th, 2008 by BURAOT Categories: Byahilo, Mala-Impaktong Buhay Buraot 21 Responses

banginAng galeng! Parang yung napanood ko sa DVD na Tokyo Drift…..

Me nagbawal na sa akin dumaan dun sa lugar na yun. Mataas daw kasi. At dahil nag-uumpisa   na mag snow, delikado na daw kasi sobrang dulas. Mas madulas pa sa pinagsama-samang laway nina Itot, kaong ni Bluepanjeet at mga padulas ni Ambo na ipinahid sa katawan ng mahal na Reyna.

Pero sempre, natural akong pasaway. Dedma lang ako. Walang dulas dulas sa akin. Matindi ata tong si Tagpi. Marami ng pinagdaanan to. Pinatalon ko nga ito sa tulay habang natutulog eh. Yan pa! Dulas lang. Basa lang ng Basa…

Its Snowing Cats en Dogs!

December 19th, 2008 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 13 Responses

TagpiKahit ilang taon na ko dito sa isteyts, bihira ako makakita ng snow.Kasi naman sa LA, wala nun. Maliban kung pupunta kami sa me mga boondocks. Pero dito sa bago kong pinagkukutaan, nagkakaron daw, pero di gaano.

Nung Biyerenes ng gabi, sabi ng PAGASA, me hanging amihan daw na parating at bobombahin daw kami ng snow. Kaya naman pinaghandaan ko sya. Inilagay ko sa bulsa ng jacket ko yung kopongkopong kong de-negative na camera.

Eksayted ang lolo mo. Ngayon, feeling ko nasa states na ako. Dun kasi sa LA, para ka lang nagpunta sa Pandacan, ganun. Puro mga Pinoy din ang mga kasama mo dun. Saka sempre, walang snow.

Eto, nagsasawa ako ngayon. Kala mo lang masarap. Pahirap pala. Basa lang ng Basa…

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes