Kahit di ka GRO, likas sa atin ang pagiging welcoming sa mga bisita. Kahit di ka taga Espana Rotonda, lahat Welcome.
Bukod sa mga Eskimo, tayong mga Pinoy, number one pagdating sa pagiging hospitable. Kahit pa kapos na tayo sa lahat ng bagay, pilit pa ring ibibigay sa bisita ang mga bagay na magpapasaya sa kanila. Ang mga eskimo kasi walang tatalo, kasi… wag na lang. Medyo rated PG. I reserach mo na lang.
Kahit pa durog durog na ang mga tuwalyang ginagamit natin, okay lang. Pero kapag bisita, ilalabas yung mga bagong tuwalya na nakatabi at inaamag na nasa loob ng aparador. Pati na rin yung mga platong naka display, yun ang ipapagamit. Wag lang me masabi yung bisita. Basa lang ng Basa…


SikatchuPosts