Most Shocking SONA Ever?

July 23rd, 2010 by BURAOT Categories: Uncategorized 3 Responses

Kinakabahan ako. Sona na sa Lunes. At sabi pa naman ni bostsip Noy, it will gonna be shocking. I-a-announce yata nya na lahat ng mga kongresman na dating nasa Lakas, naging praktikal na, ehe  naging Liberal na.

At dahil napakahalaga ng okasyon na darating, maraming mga sikatchupoy sa showbis at politics ang  asahan nating eeksena kagaya noong inagurasyon.

Si Miriam nga raw, nag-sign ng waiver na hindi na magsusungit at nagpramis na magbabaril na lang sa sarili. Si Bong Revilla naman,  isasama sa sona ang humigit kumulang na 80 plus ng mga anak ng kanyang tatay na si Ramon Revilla para ipakitang kasindami ng mga bumoto sa kanya ang bilang ng kanyang mga kapatid. Pero si Jinggoy umayaw dahil mas marami daw syang nanay kesa sa utol. Basa lang ng Basa…

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes