December 7th, 2008 by BURAOT
Categories: Palatastas
8 Responses
Tapos na ang pakontest. Nakatulog na ko ng 48 hours. Linggo na naman. Malapit na naman ang pasko.
Sa mga ganitong mga panahon, wala akong maisip na nakakatawa, maliban sa buhay ko. Naisip ko nung nakaraang huling araw ng Nobyember, birthday ng tatay ko. Naesep ko ulit, tutal eh blog ko naman ito, pwede kong i document yung mala-impaktong buhay nya. Nahalungkat ko kasi sa mahiwagang baul yung dating sulat nya sa akin na makabagbag damdamin. Basa lang ng Basa…
November 15th, 2008 by BURAOT
Categories: Palatastas
6 Responses
Magpapalit palit na muna ako ng sound trip dito lagi lagi.
Tutal di naman ako mauubusan ng music sa mundo kaya iiba ibahin ko naman ang tema. Kung sakali namang maubusan nga ako ng music, kung sakali lang naman… isasalpak ko na lang ang mga kundiman na music ng tatay ko, kagaya nung background music ni Ruthie.
Sa ngayon eto, tamang 80s hair metal muna ako dito. Eto kasi yung mga music nun kapag nag-inuman kami sa Shakeys. Oo cowboy grill na sya ngayon. At oo, medyo baduy na ngayon uminom dun. Noon kasi oks na oks. Bago kami pupunta dun sa Ermita, magba bake muna kami ng mga kapawa ko cub scout ng brownies. Sarap mag sound trip. Habang lumalangokami ng pitsel pitsel na drop beer. Headbang!
Kahit di pa uso nun ang air guitar, expert na kami lahat.
O sya sya…. tagay!
SikatchuPosts