My Name is Buraot.. and I’m an Alcoholic!

January 12th, 2009 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 16 Responses

tagayDati rati, kapag bagong dating ka, inuman na!

Kahit saang lupalop ka pa nanggaling, sa iskul, sa probinsiya, sa manela, sa munti o ospital, basta bagong dating ka, kelangan me pa-welkam na inuman palagi. Sa totoo lang, para lang magkaron ng dahilan para mag-celebrate kuno. Inuman lang naman talaga ang gusto. Mamam, tagay, laklak, tungga, barik.

Hindi naman talaga tayo sugapa sa alak, konti lang. Masayahin lang talaga tayo. Gusto laging sama-sama, laging maingay, laging masaya. Kahit lumuluwa na bituka mo kakasuka, o di ka na makagapang pauwi, okey lang. Kahit pa nga di mo na rin naman natatandaan kung pano ka nakauwi, o kung ano pang mga kabulastugan ang pinaggagagawa mo kagabi, oks pa rin. Basa lang ng Basa…

Tamang Shakeys Muna

November 15th, 2008 by BURAOT Categories: Palatastas 6 Responses

Magpapalit palit na muna ako ng sound trip dito lagi lagi.

Tutal di naman ako mauubusan ng music sa mundo kaya iiba ibahin ko naman ang tema. Kung sakali namang maubusan nga ako ng music, kung sakali lang naman… isasalpak ko na lang ang mga kundiman na music ng tatay ko, kagaya nung background music ni Ruthie.

Sa ngayon eto, tamang 80s hair metal muna ako dito. Eto kasi yung mga music nun kapag nag-inuman kami sa Shakeys. Oo cowboy grill na sya ngayon. At oo, medyo baduy na ngayon uminom dun. Noon kasi oks na oks. Bago kami pupunta dun sa Ermita, magba bake muna kami ng mga kapawa ko cub scout ng brownies. Sarap mag sound trip. Habang lumalangokami ng pitsel pitsel na drop beer. Headbang!

Kahit di pa uso nun ang air guitar, expert na kami lahat.

O sya sya…. tagay!

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes