Kakamulagat pa lang ng mga mata ko, ganyan na yan. Bago pa isinilang ang grupo ni Polgas sa dyaryong sikat, mas nauna nang sumikat ang lugar kung saan ako ipinanganak, and Pugad Baboy.
Nakasanayan ko na yun. Akala ko, yun ang pangalan ng barangay namin na yun sa Timbuktu. Siksikan ang mga bahay, may sapa salikuran, at sempre, eto ang matindi, katabi ng sementeryo. Basa lang ng Basa…
August 31st, 2009 by BURAOT
Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot
7 Responses
Matagal ng nakabinbin sa aking left brain na ikwento ang aking pinagmulan. Lingid sa kaalaman ng iba, di naman ako singaw na basta na lang lumitaw sa mundo ng buladasphere at basta na lang mag-i-spontaneous combustion. Indigestion baka pa.
Kung ikaw ay masugid na stalker ni Kulapo, unang-una kong post dito ay tungkol sa buhay-buhay sa aming bayan doon sa Timbuktu. Porty-payb years later, eto pa rin ako. Maliban sa pakonti-konting special mention, di ko na nasundan ang istorya.
Kaya back to basics muna tayo… Basa lang ng Basa…
November 7th, 2008 by BURAOT
Categories: Mala Cachupoy
11 Responses
Di ko original na pautot ito. Naispatan ko lang sa site ni Nakanampucha. Nagkalat na din ito sa mga emails. Naalala ko kasi me ganito ding wento dun sa amin sa Timbuktu. Pero sa susunod na lang yun. For now, this now.
A Love Story
We’ ve been friends for a long time ago. We come from the same alma mother. Actually, our paths crossed one time on another. But it’s only now that I gave him a second look. I realized that beauty is in the eyes. The pulpbits of my heart went fast, really fast. Cute pala siya. And then, he came over with me. He said, “I hope you don’t mine. Can I get your number?” Nag-worry ako. What if he doesn’t give it back? He explained naman na it’s so we could keep intact daw. Sabi ko, connect me if i’m wrong but are you asking me ouch? Nabigla siya. Sagot niya, The! Aba! Parang siya pa ang galit! Persona ingrata!!! Ang kapal niya! I cried buckles of tears. Basa lang ng Basa…
Dahil undas na naman, obigado na naman akong mag-share ng aking experience na medyo nakakatakot.
Kung bakit ba naman kasi nauso yang haloween haloween na yan. Pati tuloy mga bagay na dapat kinakalimutan na, eh pilit pa ring inaalala.
Bakit ba tuwing araw ng patay eh marami tayong kinakatakutan. Di mo na kelangan pang magpunta ng Capiz o Siquijor. Kahit saang probinsya, me makikita ka. Kahit na nga sa Manela. Pero sabi kasi ng iba, sa mga liblib na lugar daw kasi maraming nagkukuta na mga mala impaktong nilalang kasi tahimik daw dun at di pa naiistorbo ng ingay ng mga lunsod.
Kahit dun sa amin sa Timbuktu, maraming mga ganitong kwento. Nung una ayokong maniwala. Sempre Manela boy ata ito, laking Manela. Pero dahil madalas akong dumayo ng inuman dun sa mga barkada kong taga-bukid, maraming kwento at sempre karanasan din na medyo nagpanginig (sa takot, hindi kung anupaman) ng tuhod ko. Basa lang ng Basa…
Noong nag-aaral pa ko sa Manela, lagi kaming kinakantyawan sa iskul namin kapag nalaman nilang taga-Timbuktu ako.
Kasi nga maraming mga sandugong Mangyan sa Timbuktu, akala nila lahat ng taga-dun, Mangyan na din. Pero okey lang naman kahit tawagin nila akong Mangyan. Eh ano naman? Akala lang nila masyadong malayo sa kabihasnan ang Timbuktu. Eh sa totoo lang, malapit lang naman.
Mula sa Manela, sasakay ka lang ng traysikel paputang kanto. Tapos nun, sasakay ka ng dyip papuntang Lawton o kaya Cubao o Pasay. Pagdaan mo ng Pasay, wag ka lang dadaan sa mga motel dun dahil matatagalan ang byahe mo.
Tapos sasakay ka ng bus papuntang Ala-eh pier at dun ka sasakay ng darko o kaya dangka dahil kelangan mo tumawid ng pacific ocean. Pagdating mo sa kabilang ibayo, andun ka na sa Timbuktu at sasalubungin ka na ng mga Mangyan with matching bulaklak na para kang presidente ng tralala.
Pero di p dun nagtatapos ang byahe mo. Para makarating ka sa bayan ng lolo ko, kelangan mo uling sumakay ng dyipni hanggang makarating ka sa mismong bayan ni kulapo. Kung taga-bukid ka naman, sasakay ka ulit ng traysikel o kaya isa na namahg dangka.
Lapit lang. Basa lang ng Basa…
SikatchuPosts