Tulog Mantika

March 3rd, 2008 by BURAOT Categories: Basta Pinoy Koboy No Responses
Ewan ko ba. Lahi na ata namin talaga nuknukan ng sarap matulog. Tanghali na at tirik na ang araw, tulog pa rin.

Noon sa bahay namin sa Dimasalang, dahil nga sangkaterba kaming magkakapatid, hiwalay ang kwarto ng babae at lalaki. Ang kwarto ng mga babae, malinis palagi maliban sa kalawanging arinola na naka istasyon doon kapag gabi na. Ang kwarto naming mga lalaki, ubod ng kalat. Maghapon magdamag, ni magtupi ng kumot walang gumagawa. Kasi naman, tanghali na lahat kami kung bumangon.

Tirik na tirik na ang araw, nakababad pa sa kama. Minsan nga, palubog na rin ang araw, dun lang magigising. Kahit pa nga nagkakasunog na, sarap pa rin ng tulog, para lang nananaginip. Pag me lindol naman, mas lalo pang napapasarap kasi parang pinaghehele lang. Tulog mantika talaga. Basa lang ng Basa…

Palatastas #11

February 21st, 2008 by BURAOT Categories: Palatastas No Responses

Okey! Okey! Gising na ko…

Di ko malaman kung hibernate mode ako o hiatus.. tagal ko kasi mag-post. Para kasing me hang-over pa ko. Di ko maisip na naman kung ano ipo-post ko. Sarap kasi matulog lang ng matulog *ahem*.

Para lang masabing nagpo-post ako kaya eto. Palatastas muna ulit.
1. Wala na po ang blog na ito sa entrecard. Nabisto rin nilang puro Tagalog pala ang laman nito kaya kung si Reynz, nilaglag nya ang entrecard, dito, ako ang nailaglag. Hayufff. Dami pa naman na noypi na me entrecards. Pero ayoko namang mag-spokening Mekeni dito, gusto ko Tagalog lang. Nosebleed na nga yung ibang blogs ko, pati ba naman ito. Kaya kung ayaw nila wag nila!

2. Until further notice muna ang aking dotcoms. Hindi umabot ng valentayms kaya extended na muna ulit ang opening. Di ko pa maasikaso kasi. Kung mag-post nga ng blog di ko maharap ngayon, mag dotcom pa. Saka na lang ako magpapayaman tulad nina KotsengKuba, Itot at Ambo na me account na sa Banco de Reyna.

Ala ay yun laang naman.

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes