Kinis Ng Gilagid

October 6th, 2008 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 14 Responses

Alas nwebe ng gabi, nag-alarm ang celfon ko. Pain-in muna sa kama, fifteen minits. Alarm ulit. Tinatamad pa ako, pero no choice. Kulang na kulang sa tulog. Langya kasing trabaho to, sagabal sa pagba-blog.

Di ko pa masyado naaayos mabuti yung mga sites ko dahil laging kulang sa oras. Paglabas ko sa umaga galing trabaho, dun ko lang naa-update yung mga anik-aniks. Inaaral ko pa rin yung ibang mga plug-in plug-in nitong si Kulapo. Kung anu-ano. Ang alam ko lang kasi na plugs eh yung di saksak.

Bumangon na din ako, di pede ma late. Diresto sa banyo. Kahit medyo grogi pa, tutbras muna para oks. Basa lang ng Basa…

Me Libre Kan Tutpik!

May 27th, 2008 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot One Response
Galing na naman akong dentista. Kung dati libre ang tutbras, ngayon me libre kan tutpik naman. Sinasagad ko kasi yung benepisyo ko bago pa ako lumipat ng raket.

As usual, kabado na naman ako. Kasi bukod sa regular na pasta (hindi spaghetti) eh bubunutan pa daw ako. Yun daw kasing isa kong molar eh durog na, di na madadala sa are-areglo ng pasta.

Para nga akong bata nung tinanong ko kung “dok pwede bang walang turok?” Natawa pa si dok at sabi “Sige, kung gusto mo na itatali ka ulit namin..” E susko, para naman akong nasa saykopatik kapag nakatali sa upuan katulad nung nakaraang session. Kaya, sige payag na akong turukan.

Unang turok pa lang, para lang syang kagat ng langgam. Langgam na kasinlaki ni mazinger z. Napilitan tuloy akong hawakan nung assistant nung napa-igtad ako sa sakit.

Ayun, naroong ginamitan ng kikil ata yun, kasi parang kinakayod ng husto ang bagang ko. Gumamit ng plies, pinilit hilahin. Sabi ni dok sabihin ko lang daw kung masakit.

Walangya, me anasthesia na nga masakit pa. Kaya sabi ko, dok…masakit.!Tinurukan na naman. Sabay kaskas ulit sa bagang ko. Dok masakit pa din! Turok na naman. Sabay hila sa gilagid ko. Dok masakit pa din! Tinurukan ulit. Sabay hila ulit sa bagang ko. Dok masakit pa din! Tinurukan ulit.

Ayun di ko na nararamamdaman yung kagat ng langgam. Kasi pakiramdam ko anlaki laki na ng nguso ko, mas malaki pa ke mazinger z.

Di ko naramdaman nuung sinusungkit nya yung sirang molar. Kaso ramdam na ramdam ko naman ang pamamaga ng nguso ko. Ewan ko ba, yun bang ramdam mo na namamaga yung nguso at gilagid mo walang sinabi yung nguso ni Angelina Jolie, pero pag hinawakan mo naman, hindi mo makapa. Pakiramdam ko nawawala yung nguso ko.

Matapos ang humigit kumulang, nahila na din yung natitira kong durog na molar. Kukunin ko sana souvenir kaso ayaw ni dok. Dahil sya daw ang bumunot noon, property nya na yun. Kanya daw souvenir. Hmmpt. Damot.

Kung bakit kasi di na lang ako nagpabili sa Blumentritt nung ibinebenta sa bangketa. Yung ipinapahid mo lang sa gilagid kung saan me masakit na ngipin. Pagkatapos mo ipahid yung “langis”, kusang nalalaglag yung ngipin. Kaso mo, pati yung healthy na ngipin, nalalaglag din.

Saka na lang siguro kapag kelangan ko na ng pustiso. As for now, papaputukin ko muna itong lumolobong nguso ko.

Me Libre Kan Tutbras!

February 4th, 2008 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot One Response
Grabe. Galing lang ako sa dentista. Ayoko sana kaso mo, naisip-isip ko, sayang yung mga kinakaltas sa sweldo ko kung hindi ko gagamitin yung benepisyo ko.

Langya. Sa tinanda tanda ko na ito, sa totoo lang takot ako sa dentist. Kasi naman nung bata pa ko, napanood ko yung ate ko na binubunutan ng ngipin. Kaya ako natakot, kasi masyadong madugo. Parang ala Sweeney Todd. Naka-upo sya sa dentist chair at me takip na puting kumot tapos tumitilamsik ang kanyang dugo. Yung dentistang bumubunot ng ngipin nya, naliligo na rin sa dugo. Hitsura ng massacre nina Carlo Caparas. Basa lang ng Basa…

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes