December 3rd, 2008 by BURAOT
Categories: Linkback Pugak
74 Responses
Matapos ang one thousand syete mil na buntong hininga, marami rami din ang napanisan ng laway, sumakit ang puson, at naipunan ng sangkaterbang muta. Kahit ang iba pa ay walang sawang nagnonobena para makaiwas sa kanilang mga inaanak ngayong pasko. Di mo na ito maiiwasan ngayon. Dahil.. sikatchupoy ka na!
Dito na po nagtatapos ang ating pakontest na porty payb years in the making, ang Sikatchupoy si Buraot Contest.
Una ay gusto nating pasalamatan yung mga nag-aksaya ng oras sa pagdalaw sa walang kawenta wenta kong site. Alam kong dahil sa premyo ay napilitan kayong pumasyal dito. Sa mga nanalo, konrashuleyshuns! Sanay makatulong ang premyo na yan kung saan man dapat makatulong. Pwede na kayo ngayon magpa canton. Sa mga hindi naman pinalad, better luck next taym! Wahahahh! Better luck next taym dahil, because naging successful ang pakontest na ito, ay meron na naman akong niluluto na kasunod.
Sempre, abang abang ka muna dyan sa side.
Eto na, sa tulong ng ating sponsor na random.org, ang mga hinayupak na magmamay-ari ng milyun milyong singkongkulot ni Buraot:
Tentenen tenen! Basa lang ng Basa…
December 3rd, 2008 by BURAOT
Categories: Palatastas
4 Responses
Di ko na hihintayin ang Pasko Linggo para palitan ang mga songers dito. Uunahin ko na ito.
Senysa na sa mga nag-aabang sa announcement, hirap kasi mag type kapag malagkit yung daliri mo, dumidikit sa keybord. Kaya uunahin ko na muna itong ibang anik anik dito bago ko ipasunod yung iyong pinakahihintay.
Dahil kasi me nanalo na sa aking mala-impaktong pautot, kelangan enjoy muna. Lalo na yung mga wagi. Yung mga di naman wagi, idaan mo na lang muna yan sa sayaw.
Pero don’t you worry, me kasunod pa si Kulapo.
Mag-eesep esep muna ako ng ibang pakulo.
Kung me suggestions ka naman, sarilinin mo na lang. Wahahahah!
December 5th, 2007 by BURAOT
Categories: Palatastas
3 Responses

Paningit muna ulet. Katatapos lang nung pautot na eleksyon dun sa gilid at ang milyun-milyon pong nakilahok sa halalan ay nakapag-desisyon na.
Ba’t ko ba nailagay yung kung-fu, san naman ako kukuha ng mga music na ala Jaki Tyan.
Salamat po sa Sipsip and Velayo, ang ating inarkilang accounting firm na tagapamahala ng bilangan na nahirapang magbilang ng milyun-milyon ninyong mga boto na nagmula pa all over the world.
Salamat din po sa mga tumangkilik at dun sa mas gusto na manahimik na lang ang blog ko, sowee ka. Kahit pa nanalo ka, maglalagay pa rin ako ng music dito kasi blog ko to. Heheheh.
At dun sa nagtangkang mang-hijack nitong blog na ito kahapon.. brad, idaan na lang natin sa inuman yan. Sori di epektib ang kulam mo, me kasangga ata akong albularyo. Better luck next time.
Eto po ang countdown:
Anime 10
Kungfu 6
Tito Vic & Joey 4
Instrumental lang 4
Yoyo Vilame 2
at Manahimik ka na lang 2
Anyhoo, yun laang naman. Kaya naman balik sa Voltes V ang sounds natin dyan. Saka na lang yung ibang anime musik. Kaya ano pang hinihintay mo… let’s volt-innnn!

Sensya na, nangangarir pa rin ako ng mga tags nina CHUVA, WOOBIE, A2V, KOTSENGKUBA at AMBO at hmnn.. parang me nalimutan pa ako….
SikatchuPosts