Matapos ang one thousand syete mil na buntong hininga, marami rami din ang napanisan ng laway, sumakit ang puson, at naipunan ng sangkaterbang muta. Kahit ang iba pa ay walang sawang nagnonobena para makaiwas sa kanilang mga inaanak ngayong pasko. Di mo na ito maiiwasan ngayon. Dahil.. sikatchupoy ka na!
Dito na po nagtatapos ang ating pakontest na porty payb years in the making, ang Sikatchupoy si Buraot Contest.
Una ay gusto nating pasalamatan yung mga nag-aksaya ng oras sa pagdalaw sa walang kawenta wenta kong site. Alam kong dahil sa premyo ay napilitan kayong pumasyal dito. Sa mga nanalo, konrashuleyshuns! Sanay makatulong ang premyo na yan kung saan man dapat makatulong. Pwede na kayo ngayon magpa canton. Sa mga hindi naman pinalad, better luck next taym! Wahahahh! Better luck next taym dahil, because naging successful ang pakontest na ito, ay meron na naman akong niluluto na kasunod.
Sempre, abang abang ka muna dyan sa side.
Eto na, sa tulong ng ating sponsor na random.org, ang mga hinayupak na magmamay-ari ng milyun milyong singkongkulot ni Buraot:
Tentenen tenen! Basa lang ng Basa…


SikatchuPosts